Alam nyo ba kung bakit naging pambansang isda ng Pilipinas ang bangus? Ito ay dahil sa pagiging matinik nito. Ang isdang ito ay namumuhay sa karagatan ng India at sa kahabaan ng Pasipiko. Ang mga punla o semilya ng isdang ito ay nabubuhay sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo saka magtutungo sa mga latian na may mga bakawan kung saan dito na sila magpapalaki at saka babalik sa karagatan upang muling magparami. Ang tawag sa mga babaeng bangus ay sabalo o lulukso.