“SASAMA ka sa ‘kin, kaluluwa. Hahanapin natin si Natalie,†naliligalig na sabi ni Vincento, matatag na hawak ang maganda-mabait na ispiritung dinukot sa buwan.
Wala sa guho si Natalie, natiyak nila.
“Bakit ganito? Nakakaabot ang signal ko sa buwan at purgatoryo at impiyerno, sa paghahanap sa iyo—pero dito sa paligid, hindi ko matukoy ang kinaroroonan ng katawan mo?â€
“Are you talking to me?†inis na tanong ng kaluluwa sa vampire.
“Kinakausap ko ang sarili ko, shut up.â€
Hindi nga matunton ng signal ni Vincento ang bangkay na binuhay.
“Ikaw, kaluluwa-- tell me, saang lugar nagpunta ang katawan mo?â€
“Wala akong alam diyan. Hindi na kami magkaugnay ng aking katawang-tao. I told you, taga-Langit na nga ako…â€
“Gaga! Magiging bahagi ka ng isang bampira!†singhal ni Vincento.
Nag-panic ang kaluluwa ni Natalie. Bakit ba siya hindi nag-ingat nang husto sa buwan, gaya ng payo ng anghel dela guardia?
Napangiwi sa takot ang kaluluwa—hindi ma-imagine ang sarili na sisipsip ng dugo ng taong buhay.
Hindi niya madama ang presencia ng Langit sa mga sandaling ito. Pati ba kanyang guardian angel ay inabandona na siya?
“Natalie, nasaan kaaa?†Pumailanlang ang sigaw ng vampire.
May nararamdamang puwersa ang kaluluwa, mula sa lupang tinutuntungan. Palapit ito sa kinaroroonan nilang guho.
Pero malayo pa ang puwersang ito—na natitiyak ng kaluluwa na mga kakampi; kapanalig ng kabutihan.
SI SAM at ang butihing padre. “Father Renzo, wala sa dalawang pinuntahan nating gulod si Natalie. Huling pag-asa natin ang paÂngatlong gulod na may abandonadong kapilya.â€
“Hayun na, di ba?†Itinuro ng pari ang tuktok ng guhong simbahan, more or less ay kalahating kilometro ang layo, nasa matarik na gulod.
Tumango si Sam. “Napakadilim pala rito, Father Renzo. Sana nga ho ay makita na natin si Natalie…â€
SI NATALIE ay dinaluhong na ng tatlong asong gala, nais silain ang bangkay na nabuhay. Awtomatikong nagtanggol ang buhay na bangkay.
“Giyaaah!†Nasunggaban ang isang aso, sinakal. (ITUTULOY)