Mga sulat na hindi nabubuksan

Panaginip:May napulot akong mara­ming sulat na hindi pa nabubuksan. Dinampot ko ang mga sulat pero hindi ko binuksan. Nakakalat kasi ang mga ito kaya inilagay ko sa isang tabi. Ang pangala­wa kong panaginip ay bumalik akong muli sa pagiging library assistant kagaya noong nasa college pa ako. I’m now 60 years old.---Mercy

Interpretation: Ang sulat na hindi pa nabubuksan ay simbolo ng oportunidad na pinalampas mo. Ang library naman ay nagpapahayag na malapit mo nang masolusyunan ang problemang bumabagabag sa iyo o malapit mo nang madiskubre ang mga bagay na magdudulot sa iyo ng kasiyahan.

Show comments