IPINAKITA nga ni Sam sa pari at sa parents ni Natalie ang umano’y kagat ng vampire; dalawang munting butas iyon sa leeg ng binata. “Habang namamanhid na ang buong katawan ko, nakita kong sinambilat na ng vampire si Natalie…â€
Labis na ang ligalig nina Tita Clara at Tito Tony. Ayaw nilang paniwalaan ang sinasabi ni Sam.
“Sinasabi mo pa rin ba, Sam, ipinagpipilitan mong…buhay si Natalie?†Si Father Renzo ng matatag na nagtatanong.
“Opo, Father, dahil iyon ang totoo. Nabuhay si Natalie at tinaÂngay siya ng vampire…†Para nang pasan ni Sam ang mundo, sa bigat ng loob.
Nagkakatinginan ang parents at ang padre. Hindi `matanggap ng mag-asawa ang version ni Sam.
Si Father Renzo ay may pasubali sa isipan; para sa kanya’y hindi na imposible ang inilahad ni Sam.
“Sabi sa akin ng vampire, bilang na ang araw ko…babalikan daw ako para patayin…â€
“That’s ridiculous,†bulyaw ni Tito Tony. “Bakit ipinagpaliban pa ang pagpatay sa iyo, Sam?†“Dahil…hihintayin pa ang pagbibilog ng buwan. Sabay daw ng kamatayan ko—ang ganap nang pagiging alagad ng dilim ni Natalie.â€
“Nababaliw na talaga ang taong ‘to, Father Renzo!â€
“Tony, please…iniimbestigahan nga natin…â€
Si Tita Clara ay nag-iiiyak. “Kaya kong paniwalaang hindi naagnas si Natalie, dahil takda siyang maging santa. Pero hindi ko matatanggap na siya ay nabuhay muli at kasama ng vampire…â€
Balik sila sa dating tanong: nasaan na si Natalie? “NATALIE…oh, Natalie!†ungol ni Vincento sa nakababaliw na mga sandali—sa piling ni Natalie.
Mayamaya’y bumangon na si Vincento. Tapos na niyang pagsamantalahan ang kagandahan ng dalaga. Si Natalie ay wala pa ring alam sa nagaganap; ang kaluluwa nito ay wala sa katauhan.
“Natalie, sa pangatlo at huli kong halik, babalik sa iyo ang iyong kaluluwa,†sabi ng vampire. (ITUTULOY)