“SABIHIN mo, Natalie—tayo ba ay dapat magtalik? Tayo ba ay tulad ng mga tao na sabik sa sex?†magkasunod na tanong ni Vincento.
Kakaiba silang kombinasyon sa gabing iyon—isang bangkay na nabuhay at isang vampire.
Si Natalie ay tumiÂngin lamang kay Vincento. Wala itong kakayahang tutulan ang anumang nais ng dayuhang misteryoso.
Kumilos si Vincento, nakasentro ang pansin sa kagandahan ng kasiÂping. Nakalarawan sa mukha ng vampire ang matinding pagnanasa.
Ang kapiranggot na buwan—the crescent moon—ay parang nahiya sa sumunod nilang tagpo. Nagtago ito sa makapal na ulap.
AWUUUU. Awuuuuu. Magkasunod na alulong ito ng aso, sa kabayanan sa ibaba ng gulod.
Napaigtad si Tatay Puten, albularyong hukot na sa katandaan. Napatanaw ito sa guho sa gulod, sa lumang simbahang abandonado na.
“Papalapit ang mga diyablo,†bulong ni Tatay Puten sa sarili. “Maraming mabibiktima…â€
Nag-orasyon ang matanda, nakapikit na nakadipa ang mga kamay.. Ewan kung para saan. “Ispirikikiktecum. Tambulilikatikawonituy…â€
Ewan kung kanino ito kapanalig—sa Diyos sa Kaitaasan o sa demonyong nasa ibaba? “Doyukangkayulisim. Simpatum-es.â€
“SAM, magsalita ka…ano ang nangyari kay Natalie?†maemosyong usig ni Tita Clara, mommy ni Natalie.
Nailipat na sa private room si Sam matapos obserbahan ng mga duktor sa psychiatric ward. Ilang araw ding natulala ang binata dahil sa hiwagang naranasan sa musoleo.
“Tita Clara, Tito Tony, Father Renzo…saksi ko po si Lord, nabuhay si Natalie…â€
Nagpapakahinahon ang tatlong nagmamahal kay Natalie. “Nasaan na siya, Sam.â€
“Tinangay po ng vampire,†matatag na sagot ni Sam.
“Iho, napakadaling humabi ng istorya. Ikaw ba ay may ebidensiya?†tanong ni Father Renzo.
Ipinakita ni Sam ang dalawang magkalapit na butas sa leeg; sariwa pa iyon. “Heto po, kagat ng vampire.†(ITUTULOY)
Artist’s Guide: private room ng ospital. Anyong ipinakikita ni Sam kay Father Renzo ang dalawang butas sa leeg (obviously kagat ng vampire). Lagyan ng dialogue si Sam na ganito: KINAGAT AKO NG VAMPIRE, SAKA TINANGAY SI NATALIE. (Mangha si Father Renzo. Partly seen ang parents ni Natalie, kapwa mangha rin.)