“NARINIG mo ang sabi ko, Natalie? Malapit ka nang magsabog ng lagim,†bulong ng dayuhang lalaki sa dalagang nakatingin sa kawalan.
“Ang kailangan na lamang ay ang pangatlo at huli kong halik sa mga labi mo, Natalie. At magaganap iyon sa pagbibilog ng buwan…â€
Tumanaw sa kalangitan ang misteryosong dayuhan. Ang nakita niya’y ang crescent moon.
Parang letter C iyon na pabaligtad, kayganda sa kasimplihan.
Nakita rin ng lalaÂking ito ang napakaraming paniki na paligid-ligid sa guho, nagliliparan na parang may hinihintay maganap.
“Natalie, maging ang mga paniki ay inip na sa tuluyan mong pagsanib sa puwersa ng kadiliman…â€
Nanatiling tahimik si Natalie, sa kawalan pa rin nakatanaw.
Minasdan ng mahiwagang dayuhan ang napakagandang dalaga. Mula ulo hanggang paa. Ihiniga niya si Natalie sa malapad na bato na sinapinan ng napakaraming talulot ng mga bulaklak.
Hindi nasasaktan ang likod ng dalaga. Ang kabanguhan ng higaan ay namamayani sa loob ng guho. Ewan kung bahagi ng ritwal, naghubad ng lahat ng damit ang dayuhan. Kasunod ay muling hinagod ng tingin ang nakahigang dalaga.
Mayamaya’y lumabas ng guho ang hubad na dayuhan. Naglakad sa dilim, sa magubat na paligid. Malaking pagkakamali, dinumog siya ng malalaking lamok. Pinagkakakagat siya sa iba’t ibang bahagi ng katawan; sinisipsip ang kanyang dugo sa bawat kagat.
“Aaahh!†Napatakbo ang dayuhan, pabalik sa guho. Nadatnan niyang nakaupo sa higaang bato si Natalie, nakatingin sa kanya—ewan kung nakakaunawa ng mahalay na tanawin.
Tila nahiya ang dayuhang misteryoso, tinakpan agad ng kamay ang pagkalalaki. “Natalie, kinagat ako ng napakaraming higanteng lamok.â€
Bumaba mula sa higaan si Natalie, naglakad palapit sa lagusan ng hangin at liwanag.
Ang dalaga ay tumingala sa langit, pinagmasdan ang crescent moon. Matagal, siguro’y mga sampung minuto. Bihis na ng itim na kasuotan ang dayuhan nang lumapit sa dalaga. Bumulong. “Natalie, una mong papatayin si Sam.†(ITUTULOY)