Dear Vanezza,
Isa akong public school teacher at maituturing ng matandang dalaga sa edad na 48 years old. Noong 23-years old ako ay nagkaroon ako ng bf. Siya ang first serious relation ko. Kaso, hindi kami magkapalad talaga dahil napikot siya ng ibang babae. Nasaktan ako at simula noon ay isinubsob ko na lang ang sarili ko sa pagtuturo para makalimot. Pero nagulat ako isang araw ng may dumalaw sa akin na mamang kalbo. Nang titigan ko’y nakilala ko siya, ang aking ex-bf. Nagkumustahan kami at nasabi niya na namatay na ang kanyang asawa. Hindi nagtagal ay nag-propose siyang muli sa akin. Gusto niya akong pakasalan.
Pero parang naaalangan na ako sa edad namin ngayon. Siya ay 55-anyos na. Pero aaminin kong nadarama ko na love ko pa rin siya. - Isay
Dear Isay,
May kasabihan na love is sweeter the seÂcond time around. Why not accept his proposal? It’s time for you to be happy.
Kahit pareho kayong may edad na, you deserve a second chance sa inyong naudlot na lovelife. Kung mahal mo pa rin siya, bigyan mo siya ng pagkakataon to make up sa nagawa niya nung mapikot siya ng babaeng napangasawa niya.
Hangga’t wala kayong masasaktan at masasagasaan, walang dapat na ipag-alangan sa inyong planong lumigaya. Sabi din ng matatanda, sa kinahaba-haba ng prusisyon sa altar din ang destinasyon.
Sumasaiyo,
Vanezza