1---Sinungaling at manloloko ang taong nananatiling nakasara ang kamao habang ito’y nakalaylay sa gilid ng kanyang katawan.
2---Ngunit kung ilang daliri lang ang tila laging nakasara at hindi ang buong kamao, siya’y maingat at mapagkakatiwalaan.
3---Kung mahigpit ang pagkakasara ng kamao habang nakalaylay ang mga ito, siya’y mahilig makipagbasag-ulo.
4---Ang taong hindi mapakali ang kamay—itataas, maya-maya ay ibababa; o di kaya ay labas-masok sa bulsa—ay may strong character pero kailangang gabayan dahil wala siyang kontrol sa kanyang emosyon. Itutuloy