Power Animals (3)

Kung kayo ay nakakita ng isang klaseng hayop o insekto ng tatlong sunod-sunod  na pagkakataon, ito ay nagpapahayag  ng mahalagang mensahe para sa inyo. Hindi kailangang nakita mo ang hayop o insekto, halimbawa, napanaginipan mo ang parrot, kinabukasan, narinig mong pinag-uusapan ng ibang tao ang tungkol sa parrot at ikatlong pagkakataon ay nakita mo ang picture ng parrot sa isang babasahin. Narito ang mensaheng ipinapahayag nila:

Cheetah—Liwanagin sa sarili kung ano talaga ang iyong “objective”. Then, magpokus sa iyong “goal” upang makaseguro ng tagumpay.

Chimpanzee—Pagsamahin ang iyong talino at kutob upang madali mong masolusyunan ang problema.

Aso—Pumili ng isa lang amo na nais mong pagsilbihan. Sa dami ng iyong pinagsisilbihan, nasisira ang iyong sense of loyalty. Itutuloy

Show comments