Ito ay huling bahagi ng paksa kung anu-ano nga ba ang “warning signs†na dapat tingnan kung may tinatahak pa ba ang iyong pakikipagrelasyon sa taong malayo sa’yo o ‘yun tinatawa na “Long Distance Relationshipâ€.
Sinisimulan ninyong balewalain ang isa’t isa – Minsan, hindi lang naman ang iyong partner na nasa malayong lugar ang maituturing na may kasalanan kaya hindi naging matagumpay ang inyong relasyon kahit kayo ay magkalayo. Maaaring ikaw din ang may deperensiya nito. Maaaring nawawalan ka ng gana sa pakikipag-usap mo sa kanya dahil sa dami ng iyong ginagawa at hindi mo napapansin ang iyong kakulangan. Kung makikita mong tila wala ng gustong umabot ng kamay para hindi mamatay ang inyong relasyon, maaaring ito na nga ang katapusan nito.
Tumigil na siya sa pagkalinga sa’yo – Kapag ang iyong partner ay huminto na sa kanyang pagpapakita ng malasakit at pagkalinga sa’yo at wala na rin siyang pakialam kung anuman ang mangyari sa’yo, dapat na kayong mag-usap kung mananatili pa ang isa’t isa sa relasyon.
Naglilihim na sa isa’t isa – Kung pakiramdam mo ay isa na siyang estranghero sa buhay mo at nagsisimula na siyang hindi magsabi ng lahat ng nangyayari sa buhay niya, dapat ka ng maalarma. Dahil anuman ang maging dahilan, hindi dapat nagkakaroon ng lihiman ang bawat isa, dahil gigibain nito ang matibay na tiwala ninyo sa isa’t isa.
Kung siya ay gumigimik na parang binata/dalaga – Maraming nagagawa ang mga social networks gaya ng facebook, at minsan dito rin nagkakabukuhan. Makikita mo na lang kasi dito na may ibang katabi ang iyong partner at tila sweet na sweet sila, kaya naman ang gagawin mo ay magtatanong ka. Kapag ganito ang senaryo na tila umaakto siyang “single†at “available†sa mga okasyong hindi siya kasama, dapat ka ng makipag-usap ng masinsinan sa kanya dahil ang kanyang ginagawa ay tila pagbabalewala sa inyong relasyon.