8 Feng Shui tips sa mga Estudyante

1--Kung kayo’y may toilet sa second floor ng inyong bahay, iwasang itapat dito ang study table ng bata na nasa ground floor. Ito’y lilikha ng tinatawag na “bad killing energy”.

2--Siguruhin na ang puwesto ng bata habang nagre-review ay walang nakatutok na poison arrow: nakatutok na kanto ng furniture, nakausling kanto ng haligi ng bahay, etc. Again, ito’y lumilikha ng “bad killing energy”. Matatamaan ng arrow ang aura ng bata kaya may bad effect ito sa kanyang mood na mag-aral.

3--Dapat ay hindi siya nakatapat sa bintana. Mainam na nakaharap siya sa kanyang best direction (depende sa birthday at kua number). Nakatalikod siya dapat sa solid wall para makatanggap siya ng suporta mula sa ibang tao (mabait na titser, kaklase, etc.) habang nag-aaral. (Itutuloy)

Show comments