Uubusin ng ibang tao ang pera

Panaginip: Nasa lugar ako na nakakalat lang sa kalye ang mga matsing na parang mga tao. Isang matsing ang lumapit sa akin at binigyan ako ng cassava cake. Mukhang masarap ang cassava cake kaya kinain ko ito. Biglang nagtawa ang matsing na parang ang dating sa akin ay nauto niya ako na kainin ang bigay niyang pagkain.---Adel

Interpretation: May isang tao na mambobola sa iyo. Bunga nito, gagastusin niya ang iyong pera nang hindi ka makakahalata na inuuto ka lang pala niya.

Show comments