Kung ikaw ay isang taong hindi mapatid ang bisyo ng paninigarilyo, dapat ka ng mag-isip at magdesisyon para sa kabutihan ng iyong kalusugan. Dahil ang paninigarilyo ang numero unong pumapatay sa iyong kalusugan at kagandahan. Bakit? Narito ang ilang negatibong epekto ng paninigarilyo sa iyong katawan:
Paninilaw ng ngipin – Ang nicotine na nagmumula sa sigarilyo ang dahilan kaya naninilaw ang ngipin ng mga smokers. Ang dilaw ng ngipin na mula dito ay hindi na matatanggal. Kailangan mo pang dumaan sa whitening procedure ng ngipin para bumalik ang iyong pearly white teeth. Kaya ihinto mo na ang paninigarilyo.
Kulubot sa balat o wrinkles – Kapag palagi kang naninigarilyo, ang supply ng dugo sa katawan ay nagkukulang o bumabagal kaya ang skin tissue ay agad na natutuyot din, ito ang dahilan kaya mabilis kang nagkakaroon ng wrinkles. Ang smoker ay 1.4 be ses na mas mukhang matanda sa taong hindi naninigarilyo.
Pangit na buhok – Dahil sa usok mula sa iyong sigarilyo, nasisira nito ang DNA ng iyong buhok, kaya naman nagiging mahuna at mabilis magkaputol-putol ang iyong buhok. Ang mga lalaking naninigarilyo ay mas mabilis na makalbo.
Nakakalabo ng mata – Sino bang ayaw ng malinaw na mata? Ang taong naninigarilyo ay malaki ang posibilidad na magkaroon ng katarata.
Stretch marks – Ang nicotine sa sigarilyo ay mabilis na makasira ng fiber at tissue sa balat. Kaya kung ikaw ay mataba o payat at naninigarilyo, kaunting bawas o dagdag ng iyong timbang ay mag-iiwan agad ito ng marka sa iyong balat dahil nababawasan ang elasticity ng iyong balat.