Unique Feng shui Business Tips

Last Part

4---Paniwala ng mga Singaporean Fengshui experts: Ang mga business establishments na nasa tapat ng bus stops ay masuwerte.

5---Ang busina ng bus ay nagdadala ng good energy. Kapag huminto ang bus sa bus stops, ang good energy na bitbit nila ay tatangayin ng hangin at magta-transfer naman sa mga business establishments na malapit sa bus stop. Ito raw ang sekreto kung bakit sa Singapore, maraming shops ang itinatayo malapit sa bus stops.

6---Maglagay ng dragon sa right hand side ng iyong desk, at hayaang  nakaharap sa pintuan o bintana. Kung may water fountain ka, mainam na doon ito nakaharap. Ito ay simbolo na naghihintay ng pagdating ng kayamanan ang dragon.

Show comments