Nahuli ni misis sa text

Dear Vanezza,

Isa akong call center agent at 22 years old. May kasamahan ako sa trabaho, si John. Niligawan niya ako at agad ko siyang sinagot. Hindi ko alam na may pananagutan na siya. Mukha kasi siyang binata dahil totoy na totoy pa ang itsura. Naibigay ko na once ang aking pagkababae sa kanya. Nalaman ko na may asawa na siya at isang anak nang minsang nag-leave siya. Tinext ko siya dahil 3 araw na siyang hindi pumapasok. Nang mag-text back, nagtanong ng “Hu u?” Akala ko na-wrong sent ako kaya sinagot ko siya ng “Labs si Baby 2”. Nang muling mag-reply ay sinabing “Asawa lang me ni John”. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ang masakit hindi na nagpakita si John mula noon. Lalong masakit dahil araw-araw akong inu­ulan ng text ng misis niya at pinagsasabihan ng masasakit at bastos na salita. Ano ang gagawin ko para malimutan ang masaklap kong karanasan? - Baby

Dear Baby,

Magpalit ka na ng sim card para hindi ka na ma-text pa ng kanyang misis. Ituring mo na lang din bilang aral sa iyo ang mapait mong karanasan para huwag nang maulit pa. Iyan ang epekto ng pagpapaubaya ng babae ng kanyang sarili sa kanyang nobyo. Palaging nasa losing end ang babae. Mabuti na lang at hindi ka nabuntis kundi lalong malaking problema. Next time, maging matalino at kilalaning munang mabuti ang isang tao para hindi madenggoy ng mga mapagsamantalang lalaki.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments