NAPAPAILING ang Black Angel habang binabalikan ang pagkuha ng relief goods nang walang pahintulot. Sa simpleng pananaw ng tao, siya ay nagnakaw.
Lumipad muli ang Black Angel, nais i-justify ang ginawang pagbibigay ng relief goods kina Richard at Wendy. “Kundi ko sila dinalhan ng supply, namatay na siguro sila sa gutom…â€
Mapapatawad na ng Diyos ang konti niyang kasalanan, nais paniwalaan ng anghel na itim.
Tumapat siya sa Quiapo Church, nakita ang lugar na puno ng sari-saring tao—karamihan ay mahihirap. Sidewalk vendors, mga ordinaryong manggagawa, mga empleyado’t empleyada, mga tindera-tindero.
Saglit siyang nagpahinga sa tuktok ng simbahan, nakatago pa rin sa dilim. Muli niyang pinagsisihan ang nagawang pagpapakamatay. Mortal na kasalanan iyon, alam ng Black Angel.
Kaya nga siya naging itim na anghel, e. Kasi’y natalo ng malaking kasalanan ang mga kabutihang nagawa niya noong siya’y matino pang pari.
Hindi siya napapanatag sa kanyang kalagayan. Nagkaroon nga siya ng ilang munting kapangyarihan—nakalilipad siya, nakababasa ng isipan ng mga tao, nagkaroon ng kakaibang lakas--pero ipinadama naman sa kanya ang pagdurusa ng mga tao.
Napahagulhol siya noon sa awa sa mga nasalanta ng bagyo at baha; parang siya ang sinusunog tuwing nagkakasunog sa lugar ng mahihirap.
Nadama niya ang lungkot ng mga dukhang namatayan ng kaanak sa landslides at iba pang kalamidad.
Bago pa niya namalayan, siya pala ay nasa tapat na ng Luneta. Naalala niya ang naganap doong martsa ng mga tao laban sa pork barrel at sa mga nagnakaw sa kaban ng bayan.
Nadaig siguro ng galit sa mga tiwali ang Black Angel, bumaba sa bundok ng basura.
May dala na siyang dalawang sakong puno ng mga nabubulok na bagay nang muling lumipad.
Tinapatan niya ang bahay ng isang personaÂlidad na sangkot sa 10-billion pork barrel scam. Sa bubong ng malaking tahanan nito itinapon ang mga nabubulok na basura.
(SUBAYBAYAN)