Panaginip: Walang masakyang jeep o taksi kaya ang mga tao ay nag-unahan sa pagsakay nang dumating ang isang malaking trak. Pero nadismaya ako dahil mataas ang step para makaakyat sa trak. Isa pang dahilan kung bakit hindi ako makasakay ay mabigat ang aking backpack. Ito ang pumipigil para ako makalukso nang mataas.---Yani
Interpretation: May darating sa iyong malaÂking oportunidad sa trabaho pero malalampasan ka ng pagkakataon dahil sa mga issues sa iyong buhay na hanggang sa kasalukuyan ay hindi mo pa nareresolba.