Kapalaran sa Paa (2)

4---Kabaliktaran ng pike. Nakahiwalay ang legs kung naglalakad o sakang. Kadalasa’y madaldal at mayabang sila. Minsa’y pakialamero sa buhay nang may buhay.

5---Naghihirap ang taong may butuhang paa.

6---Gastador at batugan ang taong may patulis na mga daliri sa paa.

7---Ang paang malaman at makinis ay indikasyon ng pagyaman.

8---Ang babaeng may mabibilog na kuko sa paa at makinis na paa ay malaki ang tsansang makapag-asawa ng mayaman.

9---Magiging mabuti at responsableng asawa ang may maliliit na daliri sa paa.

10--Kadalasan ay mga “survivor” ang may malaking paa. Kahit anong laki ng problema ay nakakaya nilang malampasan. Mahusay magdesisyon at magiging mahusay na lider. (Itutuloy)

Show comments