BINANGGA ng Black Angel ang kongkretong dingding ng townhouse unit ni Wendy, nawasak at nabutas, parang binomba.
Hinabol ito ng sigaw ng dalaga. “Napakawalanghiya mo, Black Angel! Nante-terrorize ka dahil ayaw naming sumunod sa gusto mo!â€
“Pinatutunayan mong Black Angel ka nga, Ex-Priest Adolfo! Sanay kang manggulo! No wonder, naging anghel na itim ka tuloy!†sigaw ni Richard, tinakbo ang nabutas na wall, tatanawin kung nasaan na ang may pakpak na nilalang. .
Napailing ang binata, napamura sa natanaw. “Siyet!â€
“Nasaan na…?†gigil na tanong ni Wendy sa boyfriend.
“Nawala! Pero nakita ko ang dalawang tauhan ni Mr. Gothong, kausap na ang gate guards!â€
“N-nasundan tayo ng mga kaaway m-mo, Richard?â€
Tumango ang binata, natataranta. “Mayayari tayo kapag nakapasok ang mga ‘yon! Baka mauto ang mga security guards sa gate!â€
“Oh my God! Ngayon pa namang wala ang Black Angel! Walang magtatanggol sa’tin!â€
“Ayaw na nga niya tayong ipagtanggol, Wendy! Kaya nga tayo iniwan ng gagong ‘yon!â€
“W-wala ka man lang bang dalang…sandata? Granada, whatever?â€
Napabuntunghininga ang binata. “Nagtutulak ako ng droga, Wendy, pero hindi ako criminal mind! Hindi ako gumagamit ng sandata! Dahil peace-loving pa rin ako!â€
Napaiyak na sa takot si Wendy. “Pareho tayo. Ako’y supporter ng Gunless Society, Richard…pero ganitong gumagawa ka ng labag sa batas—dapat na may proteksiyon ka s-sa sarili…â€
TOK-TOK-TOKK. Malalakas na katok sa pinto.
Namutla na ang magkasintahan. “N-narito na sila, Wendy…â€
“Richard, saan tayo magtatago? A-Ayoko pang mamatay…â€
May biglang pumasok sa butas na dingding. Kinabahan sina Richard. Matalim ang titig nito sa kanila, parang papatay.
Ang Black Angel, marahas na sinunggaban sila sa kamay.
“This is it, ha? Ikaw pala ang papatay sa amin?†tanong ni Richard. (ITUTULOY)