“OH MY GOD! Dapat kang barilin sa Luneta, Richard! Walang karapatang mabuhay ang tulad mong drug pusher†histerikal na bulalas ni Wendy, bigung-bigo sa inaakalang super-rich na boyfriend. “Lahat pala ng expensive gifts mo sa akin—nagmula sa kita mo sa droga!â€
“I told you, hindi kita matanggihan sa mga hiling mo,Wendy. Ganoon nga kita kamahal…â€
Nakamasid ang Black Angel, nakikinig sa pag-uusap ng dalawang mortal na young adults.
“Nandidiri ako sa iyo, Richard, sa totoo lang! Hindi ako puwedeng magmahal ng isang kriminal! Sinisira ng droga mo ang mga kabataan at matatandang iresponsable!â€
Napabuntunghininga ang binata. “Ito pa pala ang mapapala ko, ha, Wendy? Matapos kitang mahalin na gaga ka! Ang kapal mo!â€
“Huwag mo akong dramahan! Umalis ka na ngayundin! Huwag mo akong idamay sa krimen mo!†luhaang sigaw ng dalaga.
Hinubad niya ang Rolex, pagalit na ibinalik kay Richard.
Hawak na ng binata ang napakamahal na orasan, minamasdan ito—parang sasabog ang dibdib sa sama ng loob.
“Ang iba pang naibigay mo sa akin, huhulugan ko sa iyo, Richard! Up to the last centavo! Just get out of my life! Now!â€
Gigil na napatingin si Richard sa nobya. Kasunod ay sa Black Angel.
Nakatitig din sa kanya ang anghel na itim.
“Pahamak kaaa! Umm!†Biglang ibinato sa Black Angel ang orasan, sagad sa galit. Plakk. Sinalo lang ito ng isang kamay ng itim na anghel, walang kahirap-hirap. Mahinahong inilapag iyon sa mesa. Kumuha ng papel at ballpen. Nagsulat muli.
Ibinigay kay Richard pero tinanggihan ng binata. Si Wendy ang gigil na bumasa sa nakasulat, malakas ang tinig. “RICHARD AT WENDY--KAÂYONG DALAWA AY PAREHONG ULUL. SA HALIP HARAPIN NANG MAGKASAMA ANG PROBLEMA AY SAKA KAYO NAGSISISIHAN!†Napahagulhol si Wendy, tinablan. “Hu-hu-hu-huuu.†Si Richard ay nais nang iumpog ang ulo, hindi matanggap na wala na sila ng nobya.
(Malapit na ang naiibang wakas. SUBAYBAYAN.)