Kung ikaw ay di niya mapagkakatiwalaan (1)

Habang nakikipagkuwentuhan sa’yo ang iyong kaibigan ay nabanggit niya sa’yo ang ilang sekreto at mahahalagang impormasyon hinggil dito.  Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay naikuwento mo rin ito sa iba ninyong kaibigan at huli na ng mapagtanto mo na mali ang iyong ginawa at talaga naman na inuusig ka ng iyong konsensiya dahil dito. Paano mo ito haharapin at malalampasan? Narito ang ilang paraan:

Suriin ang iyong sarili – Bakit hindi mo tanungin ang iyong sarili bakit mo nagawang itsismis ang iyong kaibigan sa iba? Kung ito ang kauna-unahang pangyayari na nasabi mo ang sekreto ng iyong kaibigan sa iba, maaaring ang mga sumusunod na bagay ang naging dahilan nito:

A. Insecurity – Maaaring naiisip mo na mapapahanga mo ang ibang tao sa’yo kung magsasabi ka sa kanilang ng isang sekreto na “interesting” para sa kanila.  Ang mga taong nakakaramdam minsan ng insecurity ay bigla na lang nagsasabi ng impormasyon sa ibang tao dahil sa maling pag-aakala na siya ay tatanggapin at hahangaan ng iba. Ang hindi mo alam ay palihim ka rin nilang pag-uusapan at hindi ka na rin nila pagkakatiwalaan ng kanilang sekreto, dahil isang pagtatraydor ang iyong ginawa.

B. Ginagawang halimbawa –Maaaring naitsismis mo ang sekreto ng iyong kaibigan dahil gusto mong maging halimbawa ito sa iba. Posibleng ang iyong kuwento ay maging positibo ang dating sa iba, ngunit tiyak naman na magkakaroon ito ng negatibong epekto para sa iyong kaibigan. Kaya dapat mong timbangin sa iyong sarili kung sino ang iyong dapat na pahalagahan, ang kapakanan ng iyong kaibigan o ng ibang tao.

C. Pagganti  - Ito ang pinakamasakit na pagganti ng isang tao sa kanyang kaibigan. Ang paglalantad ng kanyang sekreto sa iba dahil lang sa paghihiganti.

Show comments