Balbon

Panaginip: Balbon ako in real life. Napa­naginipan kong nag-aahit ako ng aking legs. Biglang dumating ang pinagkakautangan ko kaya tumakbo ako para magtago. Habang nasa pinagtataguan, napansin kong isa lang binti ang naahitan ko. Ang isang leg ay puro balahibo. Ang pangit tingnan.--Lovi

Interpretation: Ang balahibo sa legs simbolo ng utang o malungkot na pangyayari. Ang pag-ahit ay nagsasaad na mababayaran mo na ang utang o matatapos na ang malungkot na episode ng iyong buhay. Pero isang leg lang ang iyong naahitan kaya kalahati lang ng iyong utang ang mababayaran. O, ang kalungkutan mo ay mababawasan ngunit may matitira pa rin mga problema.

 

Show comments