“KAILANGAN ko ng tuwid na sagot, Richard—sino si Bakekang?†patuloy na usig ni Wendy sa boyfriend.
Umiling nang umiling si Richard. “Private matters, Wendy. Confidential, hindi mo dapat malaman.â€
“Ako ang girlfriend mo at sabi nga ng Black Angel, sangkot ako sa mga krimen mo! Take note, Richard—MGA KRIMEN, hindi isang krimen lamang! My God, bakit ako mapapasangkot, ha?â€
Bumuntunghininga ang binatang estudyante. Nagpakumbaba. “Let’s go home. Ihahatid kita sa townhouse mo.â€
“Hindi ako uuwi hangga’t hindi mo sinasabi kung sino si Bakekang!â€
Nagpakahinahon ang binata. “Nangako ako sa iyo ng sarili mong condo unit at kotseng Audi na brand-new, tama, Wendy?â€
“Yes, at ano ang kaugnayan niyon, ha?â€
“In 2 weeks time, maibibigay ko sa iyo ang dalawang ‘yon, under yor name, gaya ng pangako ko,†paalala ni Richard, mababa ang tinig.
“Inaasahan ko na ‘yon. Pero hindi iyon ang isyu, Richard. Gusto ko ngang malaman kung sino si Bakekang at kumbakit sabi ng Black Angel, sabit ako sa mga kasalanan mo sa lipunan!â€
Napipi na yata ang binata, hindi makasagot.
“Terorista ka ba, Richard? Ikaw ba ang may pakana ng bombings sa Metro? Ginagawa mo ba ‘yon for a very huge fee?â€
Umiling ang binata. “Hindi ako kailanman naging terorista.â€
“Then what are you? At sino nga si Bakekang?†super-sigaw na ni Wendy, labas ang litid sa galit.
“What am I, Wendy? Ako pa rin ang boyfriend mong normal na tao. Ang tamang tanong, therefore, ay ‘Who are you?’ â€
“Okay…pero sino nga ang Bakekang na ‘yon? Utang na loob naman, sabihin mo kung sino siya? Who is she?â€
“What is it ang dapat na tanong—kung ano ang Bakekang,†pagtutuwid ni Richard, tensiyunado.
“Hindi pala siya t-tao?†takang pagklaro ni Wendy.
Tumango si Richard, nakatingin sa relos. “Iyon ang katotohanan; isang uri ng ‘produkto’ ang tinatawag naming Bakekang…â€
Naintriga si Wendy. “P-Produkto…?â€
“Nanganganib tayo rito! Saka ka na magtatanong!â€
(ITUTULOY)