SA KOTSE ng binatang estudyante nag-usap nang seryosohan sina Richard at Wendy. “I am so bothered, Richard. May mga crime against humanity ka raw, sabi ng Black Angel! Gumagawa ka raw ng mga krimen na laban sa lipunan!â€
“Don’t panic, Wendy. Alin sa dalawa—nag-iilusyon kang nakita mo ang Black Angel o kaya’y… nababaliw na ang Black Angel—winawasak tayo. I-iyon naman ang misyon ng mga kaaway ni Lord—ang magsabog ng ligalig, di ba?†Pero umiiwas ang tingin ng binata.
Matalas ang pakiramdam ng dalaga. “Richard, may itinatago ka. Kilala kita, sweetheart. Tumingin ka sa’kin nang diretso. Look at me.â€
“Siyet ang Black Angel na ‘yon! Pinakikialaman ang hindi dapat!â€
“Nag-aalala siyang mapapahamak ka! And I think genuine ang concern niya, Richard!â€
“Gago siyang ex-priest gaya ng sabi ni Pipoy Dacuycoy!†giit ni Richard. “Hindi siya matahimik sa kabilang buhay kaya siya nanggugulo!â€
Iba ang takbo ng isip ng material girl. “Richard, sangkot daw ako sa mga krimen mo…dama kong may hindi ka sinasabing napakalaking bagay…na posibleng magpapahamak sa iyo…â€
“Wala akong sasabihin, Wendy. AyoÂkong patulan ang pang-iintriga ng Black Angel na ‘yon!â€
Biglang tumunog ang cell phone ng binata. Druunng…druunng…
Namutla si Richard nang makita kung sino ang caller. “M-mister Gothong, bakit po?â€
Mataas ang tinig ng kausap. “Ikaw tarantado! Ako loko mo! Mali dala mo Bakekang! â€
Nasagap iyon ng tenga ni Wendy. Naguluhan ang dalaga.
Lumabas ng kotse ang binata, ayaw iparinig sa kanya ang usapan.
Nakita niyang ligalig na sumasagot sa cell phone ang boyfriend. Panay ang gesture ng kamay, natataranta.
Napailing si Wendy, alam nang may napasukang gulo ang boyfriend.
Nang magbalik sa kotse si Richard, hindi na maitago ang pagkataranta nito. “Kailangang umuwi ka na, Wendy. May importante akong lakad.â€
“Sino si Bakekang, Richard?†usig ng daÂlaga, pilit hinahawakan ang hinahon at damdamin.
Napaigtad ang binata. “May mga bagay na hindi mo dapat malaman, Wendy, please…†(ITUTULOY)