22 Golden Rules ng Vastu Shastra (2)

8---Ang bilang ng pinto at bintana sa ground floor ng bahay ay dapat na mas nakahihigit kumpara sa bilang ng pinto at bintana sa second floor.

9---Lagyan ng asin ang tubig na gagamitin sa paglilinis ng sahig, kahit pa ito may disinfectant.

10---Laging humarap sa north o east kapag nag-aaral ng leksiyon.

11---Magtanim ng basil plant sa tapat ng bahay.

12---Ang matinik na halaman at cactus ay dapat na itanim sa labas ng bakuran ng bahay o mas mainam, huwag ka nang magtanim ng mga nabanggit na halaman.

13---Ang alulod o drainage ay mas mabuting nasa north, east o northeast.

14---Ang matatanda ay dapat magkuwarto sa southwest corner ng bahay.

15---Ang water tank ay mabuting ipuwesto sa west at southwest.

16---Ang toilet o fireplace na nasa northeast ay nagdudulot kagipitan sa pera, mental tension at pag-aaway ng pamilya. Itutuloy

Show comments