NASA dinner date sina Richard at Wendy nang mapagkuwentuhan ang black angel na laÂging nagpapakita sa binata.
“At hindi raw makapagsalita kaya sa sulat idinadaan ang mensahe sa iyo, ha, Richard?â€
“Iyan ang sabi niya, pinarusahan daw siya na huwag makapagsalita.â€
May naisip pang itanong si Wendy. “E sino naman daw si Pipoy Dacuycoy ng Agoho Church?â€
“Malay ko. Basta iyon daw ang taong nakakakilala sa kanya…â€
“Very intriguing naman, Richard. Black angel na may kakilala sa simbahan na obviously ay maka-Diyos. Ang alam ko, natin, hindi kapanalig ng Diyos ang sinumang anghel na itim.â€
Tumango ang binata. Pinungayan ng mata ang magandang girlfriend. May nais ipahiwatig dito.
Nag-blush si Wendy. Kahit material girl, hindi pa siya pumapayag sa gustong mangyari ni Richard—na sila ay magtalik na kahit hindi pa nagpapakasal.
“Ayoko pa,†tanggi ni Wendy, pabulong. “Pero…malapit na sigurong gustuhin ko na, Richard.â€
Nahuhayan ng loob ang binata. Sa dami na ng naging nobya, si Wendy lang ang nag-iisang hindi pa nagpapagalaw sa kanya.
“Kailan naman kaya…?†tanong niya kay Wendy.
Ngumiti ang dalaga. “Kapag nalaman mo na kung sino si Pipoy Dacuycoy. Wala lang, curious akong madiskubre ang lihim ng sinasabi mong black angel. After-all hindi araw-araw na may nakakaengkuwentro kang taga-ibang dimensiyon.â€
Nagbigay naman ng maraming passionate kiss si Wendy, habang nasa loob na sila ng naka-park na kotse ng binata.
Hingal sila nang maghiwalay ng mga labi.
Biglang may naisip si Richard. “Alam mo ‘yung notepad ko na sinulatan ng black angel?â€
“Ano ang nangyari? Patingin pala ng penmanship…â€
“Wala nang nakasulat, Wendy, kusang nabura-- just like ‘yung blackboard namin sa college.â€
SUMAMA pa si Wendy kay Richard nang puntahan ang simbahan ng Agoho, sa probinsiya.
“Manong, may kilala po ba kayong Pipoy Dacuycoy?†(ITUTULOY)