IV. Maging malikhain
Kung gusto mo ng kasaganaan sa buhay, laÂging laruin sa isipan na ikaw ay napapalibutan ng kasaganaan at karangyaan. Iwasang mag-isip ng tungkol kahirapan. Lumilikha ito ng takot sa puso at isipan na humahadlang sa mga pangarap mo.
V. Ilihim ang iyong wish
Maraming inggitera sa mundong ito. Kung ipagsasabi mo ang iyong wishes at mga plano sa buhay, wala kang kamalay-malay na wini-wish ng kausap mo na sana ay mabigo ka sa iyong mga plano.
VI. Huwag magwi-wish na makakaperwisyo sa kapwa
Kung makakabuti nga sa iyo pero perwisyo naman sa iba, huwag mo na lang hangarin na makamit o matupad. Maaaring mag-enjoy ka sa una pero ang ending ay bad karma pa rin. Ang bad karma pa naman napakabilis dumating. Itutuloy