Regular na pag-ehersisyo ay maaaring makatulong na maprotektahan tayo mula sa sakit sa puso at stroke, mataas na presyon ng dugo, diabetes, labis na katabaan, pananakit ng likod, Osteoporosis, at mainam din itong panlaban sa stress.
Pinapayo ng mga eksperto na gawin ang pag-eehersisÂyo 20-30 minutes tatlong beses o higit pa kada isang linggo. May mga alternatibong pamamaraan ng pag-eehersisyo na napakadaling gawin katulad ng pagÂlalakad, swimming. Running at iba pa na puwedeng makapag papawis sayo. Puwede mo rin itong gawin ng hindi ka gaanong nahihirapan sa pamamagitan ng komportable mong paggalaw. Ang regular na pisikal na pag-eehersisyo ay dapat isisanagawa sa araw-araw sa isang linggo upang mabawasan ang panganib dulot ng mga sakit na nakamamatay
• Nakakatulong upang humaba ang ating buhay.
• Binabawasan ang panganib ng pagkamatay dulot ng sakit sa puso.
• Nakakatulong sa pag-iwas sa panganib dulot diabetis.
• Nakakatulong din ito na ma-regulate ang presyon ng dugo upang maiwasan ang stroke.
• Binabawasan ang panganib ng pagbuo ng colon cancer.
• Nakakatulong ito na mabawasan ang depresyon ng isang tao.
• Tumutulong sa pag-control ng timbang.
• Tumutulong ito na mapanatiling matibay ang mga buto at mga kasukasuan.
• Nakakatulong ito na mapanatili ang malakas na pangangatawan ng ating mga lolo’t lola.
• Nakakapagpanatili ito ng kaligayahan sa ating buhay.