Papatayin ako ng aking Ina

Panaginip: Iniipon ko ang buto ng manok na ewan ko kung saan nanggaling. Inilalagay ko ito sa isang plastic upang ibigay sa basura. Paglingon ko sa aking likuran ay tumatakbo patungo sa akin ang aking ina, nanlilisik ang mata at parang isasaksak sa akin ang hawak na patalim. Alam kong panaginip lang iyon kaya ginising ko ang aking sarili.---Lucille

Interpretation: Simbolo ng pera ang buto ng manok. Nagpapahayag din ito ng mana (inheritance) mula sa isang babae. Iyong akto na papatayin ka ng iyong ina ay nagsasaad na tutulungan ka niya sa iyong problema. Kung napatay ka, long life para sa iyo ang ibig sabihin.

Show comments