Huwag nang gamitin ang pang-marinade na pinagbabaran ng hilaw na karne sa pagluluto.
Huwag ihain nang undercook (hindi masyadong luto) ang karne o itlog.
Huwag kalimutan ang hustong paghuhugas ng kamay.
Dahil kamay ang karaniwang gumagana kapag nagluluto o naghahanda tayo ng pagkain, mahalaga na mapanatili itong malinis para malinis at ligtas din ang pagkain, maging ang ating kalusugan sa anumang bacterial infection, maging ang mga utensil at iba pang gamit sa kusina na mahahawakan natin.
May Kuto? Huwag mag-panic (1)
Karaniwan sa mga unang pagkakataon pa lang nagkakakuto ay natataranta dahil marahil sa kakaibang iritasyon o kaya’y pandidiri na nararanasan. Pero ang payo ng mga health care expert, huwag mag-panic. Kung obserbahan, hindi naman talaga kaugnay sa pagkakaroon ng poor hygiene ang pagkakaroon ng kuto. Dahil nakukuha ito kung napalapit ka sa taong may kuto o kaya’y hindi mo namalayang may kuto siya at ginamit mo ang suklay niya o hair brush. Sa katunayan, ang pakiramdam nang pandidiri ay mas maiiugnay sa makikitang itsura ng kuto, lalo na kung iispin na galing ito sa ulo mo. At siyempre ang iritasyon ay sa paggalaw ng kuto sa iyong ulo na nagdudulot ng makating pakiramdam. Sa mga pag-aaral, napatunayan din na ang hindi nagtatagal ang buhay ng mga kuto sa mga laruan, kaya hindi dapat mataranta sa paglilinis ng mga ito. Ang pinakamainam gawin ay labhan ang bedding at mga damit sa posibleng init na pwedeng maihanda. Kung may mga stuffed toys ka sa iyong higaan, magandang i-dryer ito dahil posibleng may na-stuck na rin na kuto rito. Mas nakikitang makakatulong ang hakbang na ito laban sa kuto dahil, napag-alaman na ayaw ng mga kuto ang mainit na temperatura. Magandang ideya rin ang pag-vacuum ng furniture gaya ng room couch. Pero hindi na ipinapayo ang paggamit ng pesticides. Dahil wala nang kasiguruhan na mapupuksa nito ang kuto. Maliban na lang kung talagang matapang na ang chemical na meron sa insecticides. Pero magiging hazardous naman ito sa iyong pamilya. Lalo na kung may infant ka pa.