Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Lora. May tatlo akong manliligaw. Ang isa sa kanila ay napupusuan ko na. Ang problema ko ay ang aking ama. Sa 3 nanliligaw sa akin, yun pang nagugustuhan ko ang inaayawan niya at gusto niya yung isa na ayaw ko dahil anak pala ng kaibigan niya. Pinipilit niya akong sagutin ang lalaking iyon na hindi ko naman mahal. Mapapahiya daw siya sa kaibigan niya dahil bata pa lang sila napagkasunduan na nila na ipakakasal ang kanilang magiging anak na lalaki at babae. Kalimutan ko na daw na tatay ko siya kapag di ako sumunod. Pati nanay ko na nakakaunawa sa akin ay nagalit sa tatay ko pero hindi namin siya makumbinsi sa lalaking gusto ko. Ano po ang dapat kong gawin?
Dear Lora,
Ang pagsunod sa magulang ay may limitasyon. Pagdating sa mga personal na bagay tulad ng pagpili ng partner, ang tungkulin lang ng mga magulang ay magbigay ng payo pero ang anak pa rin ang magdedesisyon. Kung hindi mo siya makumbinsi sa lalaking mahal mo, hindi ka rin naman niya mapipilit na gustuhin ang inirereto niya sa’yo. Kung susunod o susuway ka ay nasa sa iyo dahil kinabukasan mo at kaligayahan ang nakataya rito.
Sumasaiyo,
Vanezza