Dear Vanezza,
Mayroon akong bf. Dalawang buwan na kami. Pero napansin ko na laging siyang umuutang ng pera sa akin. Utang na walang bayaran. Noong una ay hiniraman niya ako ng P1,000 dahil kailangan daw ng gamot ng nanay niya. Mahirap lang sila at may sakit daw ang kanyang ina. Kapag kami’y lumalabas para kumain o manood ng sine laging ako ang taya. Dumalas ang pangungutang niya sa akin at madalas ay naso-short ako sa allowance na ipinapadala ng magulang ko sa probinsiya. Minsan tuturuan pa niya akong mangutang sa mga kaibigan ko kapag wala na akong pera. Parang bumababa na ang tingin ko hindi lamang sa kanya kundi sa aking sarili dahil mistulang ginagatasan niya ako. Ano ang gagawin ko? - Sugar
Dear Sugar,
Obvious nga na pineperahan ka lang ng bf mo kaya dapat ka ng makipag-break sa kanya. Hindi ka sugar mommy at umaasa rin sa padala ng iyong magulang. Unfair sa parents mo na waldasin lang sa isang lalaking oportunista ang perang kanilang pinaghirapan. Kung mahal ka ng lalaki, mahihiya siyang utangan ka lalo na’t sa personal na pangaÂngailangan ng kanilang pamilya. Gayundin sa date, lalaki ang dapat gumagastos o depende sa usapan ng magkasintahan kung sino ang taya, o pwede ring hati sa gastos. Ang masaklap, tinuturuan ka pa niyang magdelihensiya. Kalasan mo na ang lalaking ‘yan, mas maaga mas maganda at baka hindi lang pangungutang ang ituro niya sa’yo pagdating ng araw. Makakahanap ka pa ng lalaking mas deserve na mahalin mo at pag-ukulan ng panahon.