Ang sintomas ng overactive bladder ay ang mga sumusunod:
Madalas na pag-ihi—walo o higit pa sa araw at dalawa o higit pa sa gabi. Hindi mapigilang pag-ihi, kailangang umihi na agad kapag naramdaman na naiihi
Mahinang kontrol sa sphincter muscles - Ang sphincter muscles ang nakapalibot sa urethra na nagdadala ng ihi mula sa bladder palabas at pinanatili nitong nakasara ang urethra para hindi lumabas ang ihi sa bladder. Kung ang nerves ng sphincter muscles ay na-damage, luluwag ang muscles kaya magkakaroon ng tagas o kaya naman ay hihigpit ito kapag umiihi.
Nai-stock na ihi - Kapag na-damage ang nerve, hindi nakukuha ng bladder ang mensahe na kailaÂngan nang umihi o kaya ay humihina ang muscles kaya hindi mailabas lahat ang ihi. Kapag napuno ng husto ang muscles, maaaring bumalik ang ihi at dahil dito lalakas ang pressure na maaaring makaapekto sa kidney o atay. (Itutuloy)