‘The beautiful ones’ (4)

MAY anino sa dilim na tumawag kay Oreo ng ‘ulul’, na nagtanong din kung nalimutan ng bakla ang kanilang deal.

“Anong deal ang pinagsasabi mo diyan? Paano ka nakapasok sa bahay ko? Huwag ka sabing manakot ng bakla.” Nagtatapang-tapangan si Oreo.

“Mataas na ang ihi mo, Oreo. I like that,” sabi ng anino.

“M-Maligno ka ba? Or are you an aswang na class?  B-baka naman…guniguni lang kita?”

Unti-unting  luminaw ang anino, naging claro ang anyo.

“Aaaahhh!” Kaylakas ng sigaw ni Oreo, nakilala ito.

Oo nga, may deal nga pala sila nito. “S-Satanas?  Taning…T-Tani…? S-Satan…T-The Prince of Darkness?”

“Ako nga, Oreo. Ang Demonyo, mismo.”

“Speaking of the devil, oh my gulay…” Umaalog ang tuhod ni Oreo, pati baba ay nanginginig, sa kilabot sa kaharap.

Kaiba sa ordinaryong paglalarawan sa devil, ang katauhang kaharap ni Oreo ay naka-pink shoes na tulis ang dulo, naka-pants ng green, naka-tuxedo ng dilaw, tatlo ang sungay, super-pangit pa rin.

“Meron deal tayo, Oreo. Matapos ang 20 years mo bilang mayaman, akin na ang kaluluwa mo!”

“Mali, Taning! Ang deal ko sa iyo, kung ako’y gagawin mong super-rich! Ang perang nasa akin ay galing sa masasamang-loob na habol ng mga pulis!”  taray ni Oreo, kinalimutan ang kilabot sa kaharap.

“Whoa, ikaw ay clueless! Iyon ang ginawa kong paraan para ka payamanin, gaga!”

“Panay ka mura sa akin, sumusobra ka na!”

“Ha-ha-haa! Demonyo ako kaya mahilig magmura, hello?”

“Basta no deal!  Hindi sa iyo nagmula ang pera, ginogoyo mo ako!”

“Enough! Gusto mong gawin kitang palaka?” Napikon ang devil.

Natakot ang bakla. “W-wait…kuwan, papayag na ako k-kung idadagdag ang isa ko pang hiling…”

“Sabihin mo, dali.”

“Maghahasik ako ng lagim. Buhayin mo ang… the beautiful ones.”

“The beautiful ones, ano ‘yon, Oreo?”

ITUTULOY

Show comments