Paano maibabalik ang sleep cycle?

Mahalaga ang pagtulog para maipahinga ang katawan sa pagod at maaari sa stress na nararanasan sa maghapong trabaho. Kapag ang katawan ay naghahanda sa pagtulog, nagsi-secret ang katawan ng hormone, tinatawag itong melatonin. Tumutulong ito para maibaba ang temperatura ng katawan, maging ang alertness, ayon sa mga expert.

Sa umaga naman kung saan may araw, hinahadla­ngan nito ang production ng melatonin. Kaya nagiging aktibo ang katawan para maisagawa ang maraming obligasyon sa maghapon.

Gayunman, kahit wala nang araw sa gabi pero mananatiling abala ang katawan sa mga gawain, nagiging sanhi rin ito para maantala ang natural sleep cycle n gating katawan. Pero hindi dapat mangamba, dahil may ilang rekomendasyon ang mga expert para maibalik ang sleep cycle.

 Ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain gaya ng mga prutas at gulay; at ang pag-inom ng mutivitamins ay isang hakbang para dito. Mahalaga ito para matulungan ang katawan na mapanatili ang blood sugar levels at mapanatili ang sleep cycle. Sa bahaging ito, mahalagang matandaan na maiwasan ang pagkain ng atleast 12 oras bago mo pa gustuhing magising.

Dahil kapag kumain ka bago matulog, ayon sa mga expert, naiiba ang body’s internal clock at ipinapalagay nito na nai-break mo na ang fast- na siyang pinanggalingan ng salitang breakfast o new morning.

Makakatulong din kung matutulog sa madilim na kuwarto. Maaaring gumamit ng kurtina, blinds o shades para mai-block ang liwanag sa mata, sakaling hingin ng pagakaktaon na matulog ka kahit nasa kalagitnaan ng working schedule. At kung gising na ay hawiin ang kurtina o hayaang pumasok ang sikat ng araw sa iyong silid. Sa pamamagitan nito ay mati-triggers ang katawan para mag-adjust para sa iyong biological clock kada sasapit ang bagong araw.

 

Show comments