Magical Properties of Herbs

Chamomile---umaakit ng pera. Ginagamit na panghugas  sa kamay ang tubig na binabaran ng chamomile flower bago magsugal, upang suwertehing manalo. Ibinababad sa tubig na papaliguin upang makaakit ng pag-ibig.

Cloves---ginagawang insenso upang umakit ng pera, magpalayas ng masamang espiritu; tumigil na ang mga tsismosa sa pagkakalat ng tsismis laban sa iyo, nagpapagaan ng loob sa mga namatayan. Kung ilalagay sa katawan, ito ay nakakapagpaakit ng opposite sex.

Papaya---Ipakain sa minamahal upang lalo itong mahaling sa iyo. Isinisingit ang branches sa pintuan upang hindi makapasok ang masamang espiritu.

Parsley---Kapag kinain, ito nagpapataas ng level ng fertility at pampalibog. Kunwari ay dekorasyon sa pinggan katabi ng pagkain, pero ang totoo ay proteksiyon ito sa kontaminasyon. Inilalagay sa tubig na papaliguin upang matanggal ang malas sa katawan. (Itutuloy)

 

Show comments