Ayon sa cancer.gov ng National Cancer Institute, halos lahat ng cervical cancers ay sanhi ng HPV infections na dalawang klase lamang, ang HPV na 16 at 18.
Puwede ring maÂging sanhi ng anal cancer ang HPV 16. Natuklasan din na may Ang HPV 16 at 18 ay maaari ring maging sanhi ng vaginal, vulvar, and penile cancers.
Kamakailan lamang ay natuklasang maaaÂring maging sanhi ng cancer sa oropharynx, ang gitnang bahagi ng lalamunan kabilang ang malambot na bahagi sa ilalim ng dila at tonsils na iniuugnay sa HPV-16.
Karamihan sa nagkakaroon nito ay mga lalaki.
Gayunpaman, may mga bagay na nakakadagdag sa panganib ng pagkakaroon ng cancer tulad ng:
- paninigarilyo
- ang mahinang immune system
- madaming anak
- matagal na panahong paggamit ng contraceptives
- walang oral hygene