Malaki at maliit na ngipin

Dragon Teeth—ito ang tawag sa malalaking ngipin. Indikasyon ito ng good luck sa career at pera. Magiging respetado siya at makapangyarihan pagsapit sa middle age. May naghihintay na magandang buhay hanggang sa pagtanda.

Malaki ang front teeth (center)—mataas ang sex drive, aktibo, ayaw ng nakaupo lang. Mapagkakatiwalaan siya at maaasahan.

Ox Teeth—ito ang tawag sa pantay-pantay na maliliit na ngipin. Pabigla-bigla kung magdesisyon kaya laging nagkakamali. Maganda ang kanilang kapalaran, may tsansang yumaman at mahaba ang buhay.

Maganda ang mukha, maganda ang shape ng lips pero hindi pantay ang size at tubo ng ngipin—Mahilig mamintas ng kapwa, maarte at mahilig magmaldita. Pero hindi naman umaabot sa puntong nananakit na ito nang pisikal o naninira ng buhay.

 

Show comments