5 Feng Shui Lessons mula kay Lady Gaga

1—May kapangyarihang lumikha ng sariling suwerte. Batid niya na magaling siyang mag-aawit pero gumawa siya ng paraan upang umangat kumpara sa iba pang mga sikat nang singers. Lumikha siya ng kakaibang imahe na makaka-attract ng mga tagahanga, at hayun, nagtagumpay siya.

2—Galaw siya nang galaw kapag nagpe-perform sa stage. Mainam ito dahil pinananatili niyang fresh ang energy na umiikot sa kanyang katauhan.

3—Gumagamit siya ng powerful colors sa kanyang mga costumes na ginagamit sa concert. Malaki ang tulong na ibi­nibigay ng masasayang kulay upang suwertehin ang isang tao.

4—Matulungin siya. Tinulungan niya ang isang gay teen-ager na biktima ng bullying; ganoon din ang Japanese  tsunami victims. It’s a good fengshui and good karma.

5—Lagi siyang may bagong ideya sa bawat concert na ipino-produce niya. Bagong ideya, bagong energy na nagpapasigla sa career ni Lady Gaga.

Show comments