Nanlalamig ang bf

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Ms. Libra, 27 yrs. old at dalaga pa hanggang ngayon. May bf ako. Siya ang pa­ngatlong lalaking nagkaroon ng kaugnayan sa akin. Limang buwan na kaming mag-on at ang hinihintay ko sa kanya ay yayain akong magpakasal. Pero hindi nangyayari ang inaasam ko. Noong una’y very sweet siya sa akin. Sa paglipas ng mga araw, napansin kong madalas siyang iritable. Sa maliit na bagay ay inaaway niya ako. Mahal ko siya kaya tumatahimik na lang ako. Sa aking pag-iisa, wish ko lang ay tapatin niya ako kung mahal pa niya ako o may iba na siyang mahal. Bakit kaya siya nagkakaganyan? Tulungan mo ako. Sabihin mo kung ano ang dapat kong gawin?

Dear Ms. Libra,

Ang sikreto ng maayos na relasyon ay komunikasyon. Maaring may mabigat na problema ang bf mo na hindi niya masabi sa’yo. Bilang isang kasintahan, tungkulin mong alamin ito. You should show your concern at ipadama mo sa kanya na mahal mo siya at handang damayan sa lahat ng dinadala niyang problema. If you break the barrier na humahadlang para ipagtapat niya sa iyo ang kanyang problema, kusa siyang magsasalita sa iyo. Kung totoo ang hinala mong may iba na siyang mahal, mas mabuting malaman mo ito habang maaga. Alam kong masakit pero ganyan talaga ang buhay. Kung may kasiyahan, may sakit na dapat nating harapin at tiisin. Mas mabuti ‘yan kaysa hindi mo alam ang tunay niyang saloobin at nabubuhay lang kayo sa pagkukunwari

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments