Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba noong unang panahon, naniniwala ang mga tao na ang “masturbation” ay nagreresulta ng pagkabulag, pagkabaliw at biglaang pagkamatay ng tao? Ang Roman Emperor na si Nero sa panahon nito ay dinadamitan ang mga kabataang lalaki ng damit ng misis nito at saka makikipagtalik sa kanila. Noong 1995, si Mo Ka Wang, isang Chi Kung master sa Hongkong ay bumuhat ng 250 libra  ng kahoy gamit lang ang kanyang aring matigas. Napakalaki ng kahalagahan ng “virginity” noong unang panahon, kaya naman upang mapatunayan na virgin pa ang babaeng naging misis ng isang lalaki ay ibinabandera ng bagong mag-asawa ang kanilang ginamit na kumot  na may bahid ng dugo sa mga bisita. Ang penis ni Napoleon ay ibinenta sa mga American urologist sa halagang $40,000. Hindi lang sa ating panahon ngayon uso ang nagla-lock ang “vagina”, dahil ang dating French President na si Francois Faure noong 1899 ay namatay matapos na ma-lock ang kanyang ari sa loob ng vagina ng kanyang babae. Kinailangan pa na operahan ang dalawa upang mahugot ang ari nito.

 

Show comments