Kasama ka na ba ngayon sa mga babaeng nakaranas ng sakit bunga ng pag-ibig? Kung kasali ka na sa kanila, dapat na magkaroon ka na ng panibagong plano sa iyong sarili para ikaw ay maka-move-on, muling makatayo at magkaroon ng ngiti sa iyong labi. Mahirap sa umpisa, lalo na kung ang taong iyong lalayuan ay mahal mo. Pero, hindi ka dapat malungkot dahil mayroon naman paraan para ikaw ay ma-fall-out-of-love o mawala ang iyong pagmamahal sa taong ito. Narito ang ilang paraan:
Gumawa ng listahan ng mga dahilan bakit hindi ninyo maaaÂring ituloy ang inyong relasyon – Anung numero unong dahilan bakit hindi mo na kailangan ituloy ang iyong pakikipagrelasyon ay dahil hindi ka naman niya tunay na mahal. Dapat mong isipin na may karapatan kang mahalin ng isang taong hindi ka lang ginagawang “fling†o nag-e-ego trip lang. Ilang dahilan pa para hindi mo mahalin ang taong ito ay hindi kayo “compatibleâ€. Bagama’t minsan ay naalala mo ang mga masasayang “moment†na kayo ay magkasama at halos maiyak ka sa kakatawa, pero dapat mo rin isipin ang mga pagkakataon na pinaiyak ka niya, hindi ka niya inintindi o nai-take-granted at nagdulot ang mga ito sa’yo ng matinding pait at sakit.
Hanapin mo ang mga negatibong bagay sa kanya – Bagama’t may kasabihan “Nobody is perfectâ€, ngunit kung patuloy mong iisipin na siya ay isang perpektong partner para sa’yo, mas mahihirapan kang layuan at kalimutan ang taong ito. Kaya dapat mong tanggapin na hindi siya perpektong ginawa para sa’yo at hindi rin perpektong makasama mo sa habambuhay.
Isipin mo kung anong uri ng tao ang gusto mong makasama sa habambuhay na wala sa taong ito – Ilista mo din ang mga characteristics na gusto mong makita sa kanya ngunit hindi mo ito matagpuan, gaya ng pagiging tapat, mapagbigay, ngunit ang nakikita mo naman sa kanya ay pagiging makasarili at walang pakialam sa iyong nararamdaman. Kapag ganito ang ibinibigay na trato sa’yo, wala ka ng ibang dapat gawin kundi ang dedmahin ang taong ito.