Makinabang sa Mantra (2)

4—Upang gumaling sa mabigat na karamdaman at humaba ang buhay ayon sa kaloob ng Diyos. Ang isang tao ay kung minsan ay pinagkalooban ng Diyos ng mahabang buhay. Ngunit tayo raw ay nagbabayad ng karma dahil sa ginawa nating kasalanan sa nakaraang buhay. Bilang parusa, tayo ng nagkakaroon ng mabigat na karamdaman, halimbawa, cancer, kaya ang mahabang buhay na dapat ma-enjoy sana natin ay biglang umiikli. Ang sumusunod na mantra ang magpapagaling ng sakit upang makamtan ang mahabang buhay na talagang ipinagkaloob sa iyo ng Maykapal.

‘Om Joom Saha Maam Paalaya Paalaya Swaaha’ Dalawang oras na paulit-ulit bigkasin per day. Paano bigkasin: Ang salitang may double O at double A ay binibigkas nang mas mahaba. Om dyum saha maaa..aam paaaalaya paaaalaya suwaaaha.

5—Ito ang mantra gagamitin kung hindi naman mabigat ang sakit pero gusto mong gumaling kaagad. ‘Om Hreem Om’. Binibigkas ang Hreem ng hirim Ang  ‘Hreem’ ay nagpapanumbalik ng lakas ng katawan. Itutuloy

Show comments