SA DOCTOR’S Office, hindi pa rin makapaniwala si Doktor Robles na kaharap na niya ang multo ni Dr. Medina.
Nakaupo na sa likuran ng desk ang matandang manggagamot. Ang multo ng batambatang surgeon ay nakatayo, nakangiti sa kaharap.
Hindi malaman ni Dr. Robles kung paano magsisimula. “K-kuwan, kumusta naman diyan sa bago mong estado, Dr. Medina?â€
“I’m fine po. Humingi ng pases mula sa Itaas, kaya narito ako ngayon sa Hope,†suwabeng tugon ng ghost.
“N-nakita mo ba ang mga naunang yumao—mga paborito kong celebrities gaya nina Frank Sinatra, Elvis, Princess Diana, Madonna…?â€
“Buhay pa ho si Madonna, Dr. Robles.â€
“Oh, yes, of course. Si Karen Carpenter pala ang ibig kong sabihin.â€
Nakahanda sa tanong na iyon si Dr. Medina. “Hindi po ako maaaring magdetalye ng mga kaganapan sa bago kong kinaroroonan, Dr. Robles. Dapat pong manatili ang sikreto ng Langit. Hindi dapat mabuwag ang tinatawag na The Great Divide.â€
“Gano’n? Akala ko pa naman ay makakabalita ako…†Nakabawi na ng hinahon ang matandang doktor. “Anyway, magsasabi na ako ng aking proposal, Dr. Medina.â€
Tumango ang mabait na multo, handang makinig.
“Doctor Medina…nag-opera ka sa pasyenteng malubha, katulong si Nurse Olga, tama?â€
“Tama po. Kinumbinsi ko si Nurse Olga. Pareho po kaming nais makapagligtas ng buhay.â€
“Very good! Napakadakila mo, Dr. Medina! Mula sa kabilang buhay ay ninais mo pang makatulong sa mga mortal!†sinserong pahayag ng matandang surgeon. “Sana y magawa ko rin ‘yan, kapag ako’y namatay na!â€
“Ang Diyos po ang nagpapasya.â€
“Okay, here is my proposal—puwede bang gawin mo nang regular ang pagtulong mo sa amin, dito sa Hope?â€
Nagningning ang mga mata ng multo. Tumango.
“Oh my God! Payag ka talaga, Dr. Medina—makakatuwang kita kapag may emergency?†(ITUTULOY)