Pang-ilan ka sa magkakapatid?

Ayon sa mga psychologists, mga 40 percent ng iyong personalidad ay nabuo base sa iyong birth order. Halimbawa, pinaniniwalaan ng ibang tao na kaya “spoiled brat” ang isang tao ay dahil siya ay bunso. O, maagang naging responsible ang isang bata dahil siya ay panganay. Hinati ang birth order sa tatlong kategorya: Panganay, Panggitna (basta’t hindi panganay at hindi bunso) at Bunso.

Personality:

Panganay: Orga­nised, responsible, matindi ang ambisyon na makamit ang kanyang pangarap, mahusay pumaraan, laging naghahanap ng “approval” ng ibang tao/ nagpipilit na mabigyang kasiyahan ang ibang tao, conventional.

Panggitna: Sociable, madaling maiangkop ang sarili sa iba’t ibang ugali ng tao, madiplomasya, mahusay makipag-usap at peacemaker.

Bunso: Relaxed, mala­ki ang tiwala sa sa­rili, carefree, charming, unconventional, mahilig makipagsapalaran.

 (Itutuloy)

Show comments