Gusto ng sex ni kuya? Last Part

Lumalalim ang boses. Obserbahan kung bumababa o lumalalim ng tono ng boses ni kuya habang magka-usap kayo. ‘Yung medyo lumalambing na boses.

Kung minsan ay parang nang-aakit na ang boses. Maaaring isang senyales ito na siya ay turned-on na.

Akbay at himas sa balikat. Maaaring sa mga magkakaibigan ay walang malisya ang pag-akbay o hawak sa balikat. Ngunit kung may kasamang himas na ito ay medyo maalarma ka na. Minsan kasi ay isa itong subconscious simulation ito ng mga lalaki ng paghimas ng ‘breast.’ Kaya ingat mga ate sa mga umaakbay.

Yumayakap at huma­hawak sa ba­lakang. Patay malisya lang pero minsan tumatagal ang kamay ng lalaki sa iyong baywang sa likuran. Pero ang totoo, atat na itong hawakan ang iyong puwet.  Hmmm… delikado ‘yan…..

Kagat labi na may pag-iling. Ano ba ang ginagawa mo ‘pag nanggigigil ka? Hindi ba’t kinakagat mo ang iyong labi o kaya ay umiiling-iling diba? Tingin mo bakit kumakagat ng labi si Kuya tapos kasunod ay pag-iling. Di kaya ay nanggigigil na ‘yan sa’yo? Hindi na siguro kailangan pang ipaliwanag ang pakikipag-usap ng lalaki na alam mo namang dumadale na o nagpapasaring na. Lalo na kung may paglambing o nagmo-modulate na ang boses at may paghawak na sa iyong kamay. Hindi pa ba halata ‘yung na mayroon siyang gustong gawin sa’yo? Sa susunod ay tatalakayin naman natin ang mga senyales na gustong makipag-sex ni ate.

Show comments