Ang pagpapababa sa hunger level o dalas ng pagkagutom ang isa sa mga nakikita sa makaÂbagong pag-aaral ng mga health care researcher para mapanatili ang timbang at maiwasan ang pagtaba ng isang tao. Isa sa kumukuha ng atensiyon ngayon ay ang new research galing sa University of Missouri kung saan sinasabi na ang protein ay nagsisilbing magic ingredients para maiwasan ang madalas na pagkagutom at mamintina ang weight ng isang tao. Ayon pa sa pag-aaral, ang pagkain ng healthy breakfast lalo na ang may mataas na protein content ay nagpaparaya sa gutom na nararanasan ng katawan pero kasabay nito ang pagpapababa sa pagkagutom o hunger na maaaring maranasan sa buong araw. Ang nasabing pag-aaral ay suportado nang naÂging obserbasyon kung saan gumamit ng magnetic resonance imaging o fMRI.
Lumalabas dito na ang pagkain ng protein-rich breakfast ay nagpapababa sa brain signal na kumo-control sa food motivation at reward-driven behavior.