Silipin ang Mukha (Last part)

Yayaman din ang taong may nunal sa unahan ng kanang kilay. Para maging malinaw, saan ba ang unahan at dulo ng kilay? Ang unahan o umpisa ng guhit ng kilay ay ‘yung nasa noo samantalang ang dulo ng kilay ay malapit sa sentido.

Matalino at may photographic memory ang taong may nunal sa matambok at malapad niyang noo.

Mahusay magturo ang mga gurong may nunal sa pisngi. 

Kung tutuusin, naniniwala ang mga expert sa Face Feng Shui na nakakatulong ang pagpapaayos ng mukha sa dermatologist. Ang anumang “imperfection”(bukol, peklat, etc.) sa mukha na nagsasaad ng kamalasan ay maaaring mapalitan ng suwerte kung ito’y maipagagamot.

 

Show comments