Sex Health Benefit (2)

3.  Nagpapababa ng blood pressure. Ang yakap at sex ay nakakatulong sa blood pressure. Base sa isang pag-aaral, napatuna­yang ang pakikipag-sex, nakakapag-produce ng  diastolic blood pressure, ang  nasa ibang numero kapag kinuhanan ka ng blood pressure.

4. Nagpapalakas ng immunity. Mayroon ka bang sipon? Mainam na panlaban dito ang sex bukod pa sa ibang sakit.Ang  immunoglobin A na isang antigen na panlaban sa flu ay tumataas kapag mas madalas ang pakikipag-sex.

5. Pampabata. Ma­kipag-sex tatlong beses sa isang lingo para mas bumata ng 10-taon, ayon sa isang Scottish researcher. May libro pa nga  sa katunayan tungkol dito na may pamagat na  Secrets of the Super Young tungkol sa research ng  neurophsychologist  na si  David Weeks.

6. Pain Reliever. Kung nakakaranas ng migraine o sakit ng ulo o kaya ay pananakit ng katawan. Makakatulong ang sex. Pero kung masakit ang likod, makabubuting komunsulta na sa doctor. Ayon kay Dr. George E. Erlich,  arthritis specialist mula sa Philadelphia na nagsagawa ng pag-aaral ukol sa kaugnayan ng arthritis at sex, natuklasan niyang ang mga pasyenteng nakipag-sex ay hindi gaanong nakaramdam ng sakit.

 

 

Show comments