Piliin ang lubricant na compatible sa iyo dahil may mga lubricant na nagdudulot ng allergy. Mayroon ding mga vaginal moisturizer na maaaring gamitin. Iwasan ang mga produktong petroleum-base dahil maaaring makaapekto ito sa iyong secretion. Kung may vaginal dryness dahil menopause na, narito ang mga mungkahi ng embarassingproblems.com Dagdagan ang foreplay. Importante sa mga may edad nang babae ang mahabang foreplay sa pakikipag-sex. Ito ay paraan para mas makapag-produce ang Bartholin’s glands ng sapat na lubrication bago ang penetration. Dagdagan ang foreplay. Importante sa mga may edad nang babae ang mahabang foreplay sa pakikipag-sex. Ito ay paraan para mas makapag-produce ang Bartholin’s glands ng sapat na lubrication bago ang penetration. Lubricants, makakatulong kung gagamit ng lubricant para sa intercourse. Hormone replacement therapy (HRT). Makakatulong ito para madagdagan ang vaginal lubrication at may kumapal ang vaginal lining ngunit may panganib ito. Dahil dito, ang HRT ay hindi angkop kung vaginal dryness lang ang problema. Mayroong mga mas safe na paraan para sa problema sa vaginal dryness. Estrogen creams, tablets. Maaaring magbigay ang mga doctor nito kung hindi puwede ang HRT.
Puwedeng gumamit ng cream o tablets ngunit depende ito sa prescription ng doctor. Kung nababahala sa inyong problema sa vaginal dryness ipinapayong kumusulta sa pinagkakatiwalaang doktor.